Hunyo 1999, Pasukan – Ayon sa Mama ko, walang mabuting maidudulot ang pagkuha ko ng agham pampulitika bilang kurso sa kaleyds. Wala naman daw pera doon pagkatapos kong mag-aral ng apat na taon. Dapat daw ay business course ang kunin ko, o kaya naman ay engineering, basta yung siguradong may trabaho at maayos ang sweldo kapalit ng sandamakmak na gastos sa kolehiyo. Sa hirap pa naman daw ng buhay. E hindi naman kami mayaman para may pantustos pa sa pag-aaral ng abugasya kagaya ng gusto kong mangyari pag natapos na ako ng B.A. Political Science. Hah, walang nagawa ang mama ko. Bumigay na lamang sya sa kagustuhan ng isang 4th year high school student na walang kamuwang muwang sa mundo. Siguro naisip nya na ako naman ang bubuno sa mga problemang ginawa ko. O naisip nya siguro na likas akong rebelde. Kung anupaman yun, di na mahalaga.

November 2003, Panahon ng pag-apply para sa admission sa College of Law – “Ayoko na!” sabi ko sabay tapon ng application form sa basurahan. Pwedeng gusto ko lang magtrabaho pagkatapos mag-aral ng apat na taon. Pwedeng takot lang ako na di pumasa sa terror na exam ng UP Law. Pwedeng sa edad bente, di ko lang talaga alam kung ano ang gusto ko sa buhay.

Marso 2006, Sa ilalim ng undeclared Martial Law ni GMA – “Glen, bakit naman ganyan ang mga kaklase mo? Wala na ba silang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nila?” puno ang paghihinagpis na tanong ng isa kong kaibigan pagkatapos masilip ang kasalukuyang pinahahalahagahan ng aking dating mga kaklase – pangungolekta ng designer shoes, pagkakaroon ng trabahong mataas ang sweldo, pagbili ng condominium unit, pagbili ng kotse at pagpapayaman period.

“Hindi ko alam,” sagot ko. Sa tingin ko hindi ko nasagot ng maayos ang tanong nya. Sa tingin ko hindi naman sya naghahanap ng kasagutan e. Gusto nya lang maglabas ng frustrations nya dahil sa ang malimit na pokus na ng mga kabataan ngayon ay mga bagay na nakatuon lamang sa pansarili nilang pag-unlad.

Noong Marso 18 binaril at pinatay ng nakamotorsiklong lalaki ang isang estudyanteng aktibista. Isang batang batang lider na ang natatanging “krimen” ay pakikibaka para sa tunay na kalayaan at hustisya. Krimen ito para sa mga taong nakaluklok sa poder na ayaw madiskaril ang kasalukuyang gumugulong na sistema ng kapangyarihan at ayaw managot sa kanilang pandarahas at panunupil sa mga mamamayan.

Sa kalakarang ito, saan ang lugar ng kabataan? Gusto kong ulitin ang tula ni Eman Lacaba, isang manunulat, makata at aktibista. Bente syete sya ng ilikida ng gobyernong Marcos noong panahon ng Martial Law.

“You want to know, companions of my youth.

How much has changed the wild but shy young

poet

Forever writing last poem after last poem;

You hear he’s dark as earth, barefoot,

A turban round his head, a bolo at his side,

His ballpen blown up to a long ­barreled gun:

Deeper still the struggling change inside.”

Saan tayo kukuha ng lakas? Muli, galing sa isang tula ni Lacaba na hinalaw naman ng isang kabataan sa UP…

“… kung mamamatay tayo,
huwag tayong mamatay na parang mga langgam
na sa isang tapak lamang
ay agad nililisan ng kanilang hininga.
Sa halip, mamatay tayong tila mga tangkay
ng rosas
na bago mabali ng tampalasang kamay
ay nagpapadugo muna
sa palad nito.”

During a recent international workshop in Manila, I got to see  Fort Santiago for the second time. Some details:

Gangrene, maybe – Stiff Spanish soldier, Balauarte de Sta. Barbara

Dance of love

tall dreams?

Tall dreams?

Bago ako nagkaroon ng angst sa 10K run noong linggo ay meron pang nangyaring kasal noong sabado. Dahil first time kong maging part ng ganitong seremonya ay excited ang lolah mo. Sa bouquet toss ay sama naman ako. Kaso dahil likas na malas (o swerte?) hindi ako ang nakakuha ng congratulations. Hindi pa raw ako ikakasal. Nakalagay lang, “Don’t go to bed angry. Stay up and fight.” Whatever.

So ano ang excuse ko sa matagal na di pagsusulat? Dahil di ako inspired? Dahil nagtapos ako ng aking draft para masundan lang ulit ng 1 pang position paper para sa network? Dahil nangarag ako sa paghahanap ng parlor na PhP500 lamang ang hair&make-up rate?

Sa wakas ay nairaos din ang kasal ng aking kaibigan sa kalagitnaan ng summer (so tunaw agad ang PhP500 na make-up) at sa simbahang under repair (di pa tapos ang kasal ay may umakyat na scaffolding para magpukpok). At dahil 1) likas na matigas ang ulo ko at 2) mahilig talaga ako sa beer at ilan pang alcoholic drinks ay napapayag pa akong sumama sa inuman kahit alam kong me takbo kinabukasan.

So kinabukasan sa Runnex@25 ay may ilang realizations:

1. Pinakamasarap pa rin ang pale sa lahat.

2. Mabigat sa tiyan ang 4 na bote nito.

3. Kahit anong marketing ploy ng rush flavored water ay hindi uubra sa akin dahil masama talaga ang lasa nito.

4. Men. They do play dirty when threatened.

Hindi ko pa naranasan ito sa isang female runner sa 10K. Ewan ko kung dahil ang 10K ay nananatili pa ring men’s world at me threat kapag nauuna ang isang may XX chromosome sa XY. Pero juice ko, may isang male runner ay magoovertake pa ultimong sa pagpasok na sa chute malapit sa finish line.

At any rate, masaya na ako sa aking oras at sa performance: 14th place sa aking event, 8th sa aking age bracket clocking in 00:57 sa 10K kahit na mas maganda yung PIA run noong Marso.

So anong excuse ko kung bakit ako nagbblog ngayon? Di ko matapos ang position paper ng network na karamihan ay diva ang members. At nalulunod ako sa legalese.

I’m not keen on posting messages I receive in my email but I will take exception on this one. After all, I can claim that I made a contribution on this message that has been circulating for two days now.

oh..candy panghimagas..

hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin.mga makukulay,mababango(although mnsan may maantot),at masasarap na kending lalung nagpasaya saten at mnsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na dulot nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds nmin nung panahon ko.


1.
KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa pinakagitna.kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na nakangite at parang gustong magpasubo na.

2.
LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa ko yan ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at pula tapos nakalagay lipps.


3.
VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din ang wrapper nya at mas mamatam is in mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa sa kending toh.

4.
WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng kending white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang ung local version,toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang m is teryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!


5.
PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashion is ta ang wrapper dahil figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito. at ang lasa?..pinya..malamang.

6.
VICK’S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa is ang maliit na pack na hug is inverted triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga ang nakagis an naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.


7.
BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang peter’s butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies.bilog syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo.sosyal ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.

8.
ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na orange slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.


9.
TOOTSIE ROLL - is a sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early 90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll.

10.
ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate candies sya na mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang pinambili.


11.
HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang haw flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura nito.maninip is at kulay maroon na amoy paw is ang singit ng bata(maasim),nevertheless may basbas at sagrado.dito nags is imula ang damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending galing sa langit

12.
KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga po neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan ang kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady?s choice.


13.
LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas kilala sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong tayu sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang importante eh.

14.
CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na kendi(o kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?

15. Kending Limon (parang ganon, pwede ding di-limon o kung ano pa, pwedeng ito din ang kending hubo sa taas) – Parang beachball ang hitsura nito na covered ng powdered sugar. 3 piraso ang mabibili ng 25 centavos mo noong 1987-1990 sa aking paboritong hardware cum sari-sari store. masaya ang tatay ko dahil dito lang ay solb na ako sa umaga. ang babaw talaga.

Let me sing you a waltz
Out of nowhere, out of my thoughts
Let me sing you a waltz
About this one night stand

 before-sunrise.jpg

You were for me that night
Everything I always dreamt of in life
But now you’re gone
You are far gone
All the way to your island of rain

It was for you just a one night thing
But you were much more to me
Just so you know

I hear rumors about you
About all the bad things you do
But when we were together alone
You didn’t seem like a player at all

I don’t care what they say
I know what you meant for me that day
I just wanted another try
I just wanted another night
Even if it doesn’t seem quite right
You meant for me much more
Than anyone I’ve met before

One single night with you little Jesse
Is worth a thousand with anybody

I have no bitterness, my sweet
I’ll never forget this one night thing
Even tomorrow, another arms
My heart will stay yours until I die

Let me sing you a waltz
Out of nowhere, out of my blues
Let me sing you a waltz
About this lovely one night stand

b4-sunset.jpg

Quezon interests me in two aspects: the way it celebrates fiestas and the old structures. The large houses along the highway in Sariaya never fail to amaze me. I missed the chance to go to the annual Pahiyas festival when I was in college because I was not able to enroll in an art studies class during summer. So when a good longtime friend invited me over to catch up on things while feasting on pansit, pizza and longganisa at the original Buddy’s in Lucban (and offered to shoulder my one-way fare), who could refuse?

The original Buddy\'s in Lucban

With colorful kiping chandeliers and native interiors, other high-priced restaurants pale in comparison. The list of food choices comes in take-away menus the size of a wallet photo. A friendly reminder: remember to eat your pansit Lucban with spicy vinegar. Yumm!

One block away is another famous landmark, the Lucban church. The stately baroque structure was built in 1738 on the foot of Mt. Banahaw. Pity I wasn’t able to climb it but I’m pretty sure there will be a first time.

lucban-church2-small.jpg

script-small.jpg


Goodbye to wet blue slippers soaking in 2 inches of murky Mendiola rainwater. Galera, here I come (I wish!)

tsinelas-sa-ulan1.jpg

Madami, madami pa akong gustong isulat na labas sa kailangan kong matapos na draft sa opisina. Pero nakatambak pa ang mga resibo at acknowledgement receipts ng 100,000++-halagang proyekto na kailangan kong iliquidate.

For that, tumakbo ako noong linggo para magde-stress at maramdaman muli ang adrenaline rush ng isang race (magpapalusot pa). Mabigat ang poweraide na iniabot sa akin sa dulo pa lamang ng unang lap kaya tinapon ko pagkatapos ng dalawang lagok. Sayang. Pero madami naman akong nakain post-race. Salamat at well-provided ang event ni Sen. Pia.

Nga pala, best time ko ang race na ito kaya kahit mainit ay masaya na rin. Plus, un na nga umapaw ang taho, tinapay, brownies, cereal with milk, at chocolate drink na kasalukuyang binoboykot dahil kay Ka Fort at sa manggagawa ng Nestle. Me libre pang enervon at lootbag na me lamang fabric conditioner at detergent good for 1 month.

pia23.jpg

02-15-2006 – No, it was not because of the red tag sale in Landmark. But yes, it was a red shirt day for around 10,000 protesters who wanted to see the Arroyo syndicate out of Malacañang.

It was an afternoon of high morale. 2pm was when thousands of concerned Filipinos challenged their compatriots to put into action their complaints and grumblings about this regime. Many responded. Much remains to be done.

The Arroyos

Next Page »